Naghain ng panukalang batas si Senator Lito Lapid para sa proteksyon ang delivery riders.
Sinabi ni Lapid na nais niyang maprotektahan ang delivery riders sa biglaang kanselasyon ng orders, maging sa tinatawag na ‘no show customers.’
Diin niya, ang mga ganitong gawain ay pagsasayang lamang ng panahon at pera sa bahagi ng delivery riders.
Binanggit din ng senador na napapalala pa ang mga ganitong sitwasyon kung hindi matunton ang ang mga nagkansela ng order dahil sa paggamit ng pekeng pangalan, contact numbers at address.
“Batid ko ang hirap ng mga delivery riders kaya sa pamamagitan ng panukalang batas na ito, isinusulong ko ang proteksyon para sa kanila para hindi sila malugi o maagrabyado sa kanilang trabaho,” paliwanag ng senador.
MOST READ
LATEST STORIES