P3-M nalikom sa ‘Birthday with a Cause’ party ni Sen. Angara

Photo credit: Office of Sen. Sonny Angara

Magkakaroon ng karagdagang pondo para sa mga mahihirap na pasyente ang Philippine General Hospital (PGH) sa pamamagitan ni Senator Sonny Angara.

Nakalikom ng P3 milyon sa pagdaraos ng ‘Birthday With A Cause’ party kasabay ng ika-50 kaarawan ni Angara.

Nabatid na sa halip na mga regalo, hiniling sa mga dumalo na magbigay na lamang ng donasyon sa PGH Foundation.

Inulan ng batikos mula sa netizens ang posts ng birthday party ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang tunay na hangarin ng pagdiriwang.

Kumalat ang video nang pagkakantahan pa ng mga kapwa-senador ni Angara at sumama pa sa kanila si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Taon-taon sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Angara ay nagbibigay ito ng donasyon sa PGH Foundation.

Kabilang pa sa mga bisita si PGH Director Gerardo Legaspi.

Read more...