Gusto ni Senator Mark Villar na maisama na sa taunang national budget ang pondo para sa “Build, Build, Build” Program.
Ito ang dahilan kayat isinusulong ni Villar ang panukalang batas.
Ayon sa baguhang senador, isa sa mga nakikitang niyang makakapag-ambag sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa ay kung magtutuluy-tuloy ang programa.
Hangad ni Villar na magkaroon ng batas para permanente nang maisama sa General Appropriations Act (GAA) kada taon ang pondo ng “Build, Build, Build” program.
Ikinatuwa naman nito ang pahayag ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na bukod sa itutuloy niya ang programa ay pag-iibayuhin at palalawakin pa niya ito.
Ang “Build, Build, Build” ay isa sa flagship programs ng nakalipas na administrasyon.
READ NEXT
Pangulong Marcos pangunghnahan ang 121st Police Academy sa Camp Crame, change of command ceremony sa AFP
MOST READ
LATEST STORIES