Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagdiriwang ng 121st Police Academy sa Camp Crame at change of command ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa araw ng Lunes, Agosto 8.
Unang tutunguhin ng Pangulo ang Camp Crame sa Quezon City bandang 9:00 ng umaga, kung saan bibigyan ng arrival honors ang Punong Ehekutibo.
Gagawaran din ng Pangulo ng pagkilala ang mga natatanging kawani at opisyal ng PNP.
Samantala, 2:00 naman ng hapon, pangungunahan ng Pangulo ang change of command sa AFP.
Ang medal for Valor awardee na si Lt. General Bartolome Bacarro ang mauupong ika-58 na chief of staff ng AFP.
Si Bacarro ang kauna-unahang mauupong chief of Staff ng AFP na mayroong fixed term na tatlong taon.
Ito ay matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11709 na nagbibigay ng fixed term na tatlong taon ang mga matataas na opisyal ng AFP.
Si Bacarro ay 55 taong gulang at magreretiro sana sa September 18 subalit mag-eextend ito ng hanggang 2025 sa serbisyo dahil sa fixed term para sa AFP Chief.