Magpapakawala ng tubig ang Magat Dam sa Isabela.
Ayon sa abisyo ng National Irrigation Administration (NIA), ito ay bilang paghahanda sa southwest monsoon o habagat.
Ayon sa NIA, nasa 200 cubic meters ng tubig ang papakawalan bukas ng 2:00 ng hapon, Agosto 7.
Pinapayuhan ang lokal na pamahalaan at mga residente na naninirahan na malapit sa ilog na mag-ingat.
MOST READ
LATEST STORIES