Rollback sa presyo ng produktong petrolyo nakaamba

 

Magandang balita para sa mga motorist.

Ito ay dahil sa inaasahang magkakaroon ng rollback o pagbabawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng mga oil company, bababa ng P2 hanggang P2.40 ang presyo ng diesel at gasolina kada litro.

Nasa P2.50 hanggang P2.75 naman ang ibababa sa presyo ng kerosene kada litro.

Una nang tumaas ang presyo ng rpoduktong petrolyo dahil sa nangyaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

Read more...