(Courtesy: MPC pool)
Dumating na sa bansa si US Secretary of State Antony Blinken.
Agad na sinalubong si Blinken ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs.
Alas 9:00 ngayong umaga, nagpulong sina Blinken at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.
Ayon sa US State Department, pag-uusapan nina Pangulong Marcos at Blinken ang pagpapalakas ng kooperasyon sa energy, trade, investment, democratic values at pandemic recoveries.
Makikipagpulong din si Blinken Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at pagkatapos ay magkakaroon ng press conference ng 1:00 ng hapon.
Bibisita rin si Blinken sa COVID-19 Vaccination Clinic at dadalo sa COVID-19 Assistance Event sa Manila ng 1:55 ng hapon.
Makikipagpulong si Blinken sa civil society groups na sumusuporta sa COVID-19 efforts sa Manila bandang 2:40 ng hapon.
Bibisita si Blinken sa clean energy fair at dadalo sa U.S. Trade and Development Agency Offshore Wind Grant Signing sa Manila ng 3;55 ng hapon.
Pagkatapos nito ay magkakaroon si Blinken ng meet and greet sa mga empleyado at pamilya ng U.S. Embassy Manila sa Manila ng 6:10 ng gabi.
Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa bansa si Blinken.