Ayon kay S/Supt Leonardo Suan Chief of Staff ng AIDG, nais nilang makita ang kopya ng desisyon para malaman kung saan sila nagkulang dahilan para mapagbigyan ang bail petition si Marcelino.
Ipinagtataka ni Suan kung bakit si Marcelino lang ang pinyagang mangpyansa habang ang Chinese national na si Yan Yi Shou alyas Randy ay mananatili sa kulungan.
Giit ni Suan, sabay naman nilang naaresto ang dalawa sa iisang lugar at pareho lang din ang kanilang mga inihaing ebidensya laban sa mga ito kaya nalalabuan sila sa desisyon ng korte.
Magugunitang hinuli ng mga tauhan ng AIDG at Philippine drug Enforcement Agency si Marcelino kamakailan habang nasa loob ng isang pinaniniwalaang drug den sa Maynila.