Pension increase para sa SSS members pipilitin sa pagtatapos ng 16th Congress

congress (1)
Inquirer file photo

Sa huling pagkakataon ay nakiusap si outgoing Bayan Muna Patylist Rep. Neri Colmenares sa mga kasamahang mambabatas na mag-iwan ng “legacy” sa pagtatapos ng 16th Congress.

Ang huling sesyon ng Kamara o sine die adjourment ay sa June 6, 2016.

Apela ni Colmenares sa mga kapwa Kongresista, pumasok at dumalo ng sesyon para i-override ang veto ni outgoing President Noynoy Aquino sa P2,000 Social Security System pension increase.

Ayon kay Colmenares, may ilan pang Kongresista ang humabol para pumirma sa pag-override sa naunang desisyon ni Aquino.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 119 na mga Mambabatas na ang lumagda sa petisyon mabasura ang Aquino veto.

Aminado naman si Colmenares na hindi niya hawak ang attendance o para piliting dumalo sa huling sesyon ang mga Kongresista.

Subalit aniya, hiniling ni Colmenares sa mga nanalo at re-elected na mga mambabatas na sumuporta sa panukala na patunayang hindi lamang pang-eleksyon ang pangakong SSS pension increase.

Read more...