Trillanes sa AFP: “Paano ninyo susundin ang isang lunatic na pangulo?”

Duterte-Trillanes2
Inquirer file photo

Tinanong ni Sen. Antonio Trillanes ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines kung paano nila susundin o pakikisamahan ang isang pangulong ng bansa na may diprensiya sa pag-iisip.

Ibinato ni Trillanes ang tanong kay AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla kaugnay sa confirmation hearing ng halos 200 military officers sa Commission on Appointment sa Senado.

Ayon kay Trillanes, ano ang gagawin ng mga sundalo sakaling iutos ng pangulo ang pagbaril o pagpatay sa isang itinuturong kalaban ng estado lalo na kung ang nag-uutos ay umaabuso sa kanyang kapangyarihan.

Sinabi naman ng Heneral na noong EDSA revolt ay napatunayan na ang katapatan sa bayan ng mga kawal ng pamahalaan at hindi sila magiging tauhan lamang nang kung sino ang naka-upo bilang lider ng gobyerno.

Binanggit din ng opisyal na ilang beses nang napatunayan ang katapatan ng mga kawal sa pamahalaan kung saan ang pinaka-huli sa mga ito ay ang naging partisipasyon nila kaya naging maayos ang nakalipas na eleksyon.

Nauna nang sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang pwersa ng militar sa paglaban sa mga sindikato ng illegal drugs na posible umanong maraming drug lord ang mamamatay sa kanilang gagawing mga operasyon.

Read more...