Rep. Nograles, itinutulak ang pagtatayo ng University of Montalban

Photo credit: Rep. Fidel Nograles/Facebook

Itinutulak ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang pagtatayo ng isang state university sa Montalban na layong matugunan ang pangangailangang pang-edukasyon sa naturang bayan.

“As a 1st class municipality that continues to develop, Montalban has evolving needs. As we welcome more businesses we also need the more specialized training that universities provide for the youth so that they could fulfill the unique employment requirements demanded by various industries,” saad ng kongresista.

Inihain ni Nograles ang House Bill No. 2590 na layong gawing University of Montalban ang Colegio de Montalban at University of Rizal System – Montalban Campus, na kapwa pampublikong institusyon.

Sinabi ng Chairman ng House Committee on Labor and Employment na maliban sa mga residente ng Montalban, maari ring makapasok sa planong state university ang mga katabing komunidad.

Sa ngayon, ang Montalban ang most populous town sa Pilipinas, na may 443,954 residente base sa 2020 census.

Ani Nograles, patuloy pa ang pagdami ng mga residente dahil sa patuloy na pag-unlad at mas murang pamumuhay kumpara sa Metro Manila.

Iginiit pa ng mambabatas na kailangan ng isang “holistic and expanded public university system” upang maihatid ang de-kalidad na edukasyon sa mga kabataan.

“Nangako tayo na tutugunan natin ang mga pangunahing pangangailangan ng mga Montalbeño kagaya ng kalusugan at edukasyon,” saad ng mambabatas.

Bahagi aniya ng kaniyang pangako ang Level 2, 200-bed capacity Northern Tagalog Regional Hospital (NTRH) na kasalukuyan nang itinatayo, at ang University of Montalban.

Read more...