Duterte binatikos ng anak ni Gerry Ortega dahil sa media killings statement

Ortega-kin
Michaella Ortega’s FB post

Sumama na rin si Michaella Ortega, anak ng pinaslang na mamamahayag na si Doc. Gerry Ortega sa mga bumabatikos sa media killings remark ni President-elect Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, sinabi ng batang Ortega na pinatay ang kanyang ama dahil sa pagsusulong ng social justice o kapakanan ng bansa nang siya’y manindigan laban sa illegal mining sa kanilang lalawigan sa Palawan.

Sinabi rin ni Ortega na namatay nang may dangal ang kanyang ama at lumalaban kontra sa katiwalian sa pamahalaan.

Nauna nang umani ng batikos mula sa iba’t ibang mga media organizations na kaya napapatay ang ilang mga media members ay dahil sa kanilang pagkakasangkot sa katiwalian samantalang ang iba naman daw ay pawang mga bayaran.

Pati ang Malacañang ay nakiisa na rin sa mga bumabatikos sa nasabing pahayag ni Duterte pati na rin ang kanyang hindi angkop na pakikipag-usap sa ilang mga media members lalo na sa mga kababaihan.

Read more...