Kaliwa’t kanan ang panalo ng mga atletang Pilipino sa ASEAN Para Games 2022 sa Indonesia.
Base sa huling tala hanggang 3:30, Miyerkules ng hapon (Agosto 3), nakasungkit ang Pilipinas ng 34 medalya sa iba’t ibang sports event.
Sa nasabing bilang, siyam ang gold medal, siyam din ang silver medal, habang 16 ang bronze medal.
Narito ang ilan sa mga nakuhang medalya ng mga atletang Pilipino sa araw ng Miyerkules:
Gold medal:
– Cendy Asusano (Para Athletics – Women’s Shot Put F54 event)
Silver medal:
– Para Chessers Cheryl Angot, Cheyzer Mendoza at Fe Mangayayam (Women’s PI Team event)
– Roland Sabido (Men’s 100m Backstroke S9 competition)
Bronze medal:
– Minnie Der Cadag at Pablo Catalan Jr. (Para Table Tennis Class 10 Mixed Doubles event)
– Deterson Omas (Para Judo J1 Male -60kg category)
– Arnel Aba (Para Swimming – Men’s 100m Butterfly S9 event)
– King James Reyes (Para Athletics Men’s 1500 T46 category)
– Andy Avellana (Men’s High Jump T42/T63 class)
– Marites Burce (Para Athletics Women’s Shot Put F54 class)
Sa ngayon, nananatili sa pang-limang ranking ang Pilipinas sa ASEAN Para Games 2022. Nangunguna pa rin ang Indonesia na may 139 na kabuuang medalya.
Tatagal ang ika-11 ASEAN Para Games 2022 hanggang Agosto 6.