Sen. Pia Cayetano, hiniling sa mga kapwa senador na iwasan ang plastic bottles

Senate PRIB photo

Hiniling ni Senator Pia Cayetano sa mga kapwa senador na tigilan na ang paggamit ng plastic bottles at sachets.

Sa kanyang privilege speech, iginiit ni Cayetano ang kahalagahan ng solid waste management at nais din niya na bawasan ang paggamit ng papel sa Senado.

Ibinahagi niya na 21 milyong tonelada ng solid waste ang naitala noong 2019 at 10.55 porsiyento ay plastic.

Sinabi pa niya na kada araw, 164 milyong sachets ang ginagamit kada araw sa Pilipinas at 59.7 bilyon kada taon.

Samantala, ang basura sa bansa ay umaabot sa 18.05 milyon kada taon at 26 porsiyento nito ay mula sa Metro Manila.

Sa naturang basura, 50 porsiyento ang biogdegradable, kung saan parehong 15 porsiyento ang plastic at papel, samantalang ang 20 porsiyento naman ay masasabing ‘miscellaneous waste.’

“It is my duty to bring the concept of sustainability into discussion and debate everyday,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking.

Namahagi siya ng tumblers sa mga kapwa senador upang magsilbing ehemplo.

Read more...