Bahagi ng Tomas Claudio Street sa Maynila, isasara simula sa Agosto 5

MMDA photo

Abiso sa mga motorista.

Pansamantalang isasara ang bahagi ng Tomas Claudio Street sa Lungsod ng Maynila simula Agosto 5 hanggang Nobyembre 30.

Paliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layon nitong bigyang-daan ang gagawing Skyway Stage 3 construction activities simula 10:00, Biyernes ng gabi (Agosto 5).

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

TRAFFIC REROUTING:

Sa mga sasakyang magmumula sa Valenzuela St., Sta. Mesa patungong Quirino Ave. o Beata St. Pandacan:
– Maaring dumaan sa Ramon Magsaysay Ave., kumaliwa sa Lacson Ave. (Nagtahan), dumeretso sa Quirino Ave. o kumaliwa sa Jesus St. patungo sa destinasyon

Sa mga sasakyan mula sa Osmeña Highway patungong Valenzuela St., Sta. Mesa
– Dumeresto sa Quirino Ave. hanggang Mabini Bridge at bumaba sa tulay at saka kumanan sa Ramon Magsaysay Ave., at muling kumanan sa Valenzuela St. patungo sa destinasyon

Mula naman sa Osmeña Highway papuntang Beata St., Pandacan
– Dumeretso sa Quirino Ave., kumanan sa Tomas Claudio St. patungo sa destinasyon

Mula sa Beata St., Pandacan hanggang Quirino Ave.
– Maaring dumaan sa light vehicles sa Tomas Claudio St. hanggang Quirino Ave. patungo sa destinasyon habang ang mahahaba at mabibigat na trak ay dadaan sa Jesus St. hanggang Quirino Ave. patungo sa destinasyon.

Read more...