Comelec, sinimulan na ang pag-imprenta ng mga balota para sa apat na plebisito

Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga official ballot at iba pang form sa mga plebisito sa apat na lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na notice, sinabi ng komisyon na inumpisahan ang election paraphernalia noong Martes, Agosto 2 para sa mga sumusunod na plebisito:
– Pagpapatibay ng pagbuo ng Barangay New Canaan hiwalay sa Barangay Pag-asa sa Alabel, Sarangani sa Agosto 20, 2020
– Pagpapatibay ng conversion ng Munisipalidad ng Calaca sa Probinsya ng Batangas na maging component city sa Setyembre 3
– Pagpapatibay sa dibisyon ng Maguindanao Province sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Setyembre 17
– Pagpapatibay ng pag-merge ng 28 barangay sa tatlong barangay at isang nalalabing barangay sa Ormoc City sa Oktubre 8

Isinasagawa ang pag-iimprenta sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Read more...