QC LGU, kinilala bilang Hall of Famer dahil sa pagiging top revenue collector noong 2021

Kinilala ang Quezon City government bilang Hall of Famer dahil sa pagiging top revenue collector noong taong 2021.

Ayon kay Quezon City Treasurer Ed Villanueva, ang malakas na adhikain ni Mayor Joy Belmonte na isulong ang good governance ang dahilan kung kaya epektibo ang pangongolekta ng buwis.

“Our QCitizens have seen significant improvements in the way they transact with the city. In various ways, they have expressed their satisfaction with the quality of programs and services that were made available to them. They trust that their hard-earned money would translate into efficient public services for all,” pahayag ni Villanueva.

Base sa memo ng Department of Finance-Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF), nanalo ang Quezon City bilang top-performing city matapos makakolekta ng P22.9 bilyon na buwis noong nakaraang taon.

Naging hall of famer din ang Quezon City sa ilalim ng special category na ‘Local Revenue Generation Hall of Fame’ dahil sa patuloy na pangunguna sa tax collection sa mga siyudad sa buong bansa mula noong 2018 hanggang 2020.

Galing ang mga nakolektang buwis sa real property tax, business tax at buwis sa amusement, transfer, contractors at iba pa.

Sinabi naman ni Belmonte na isang malaking karangalan ito.

“We are honored to share this milestone with every QCitizen. Because of your continued trust and support of our administration, we have been able to increase our annual local revenue by more than P10 billion since we assumed office,” pahayag ni Belmonte.

Read more...