Dating Pangulong Fidel V. Ramos, bibigyan ng state funeral ng Palasyo

Photo credit: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles/Facebook

Bibigyan ng state funeral ng Palasyo ng Malakanyang si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, bukod sa state funeral, bibigyan din si Ramos ng full military honors.

Sinabi pa ni Angeles na marapat lamang na bigyan ng naaayong pagkilala at pagsaludo si Ramos.

Ayon kay Angeles, isasagawa ang state funeral sa Martes, Agosto 9.

Hindi naman matukoy ni Angeles kung makadadalaw si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa burol ni Ramos.

Ito ay dahil sa usapin seguridad.

Matatandaang pumanaw si Ramos sa edad na 94 noong July 31.

Read more...