Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang local government units (LGUs) na maging bukas sa public-private partnership para mapaglaanan ng pondo ang kanilang mga proyekto.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pakikipag pulong sa League of Cities of the Philippines sa Malakanyang.
Ayon sa Pangulo, malaki ang papel na gagampanan ng PPP para maisakatuparan ang mga proyekto at aniya, ito pinakamabisang paraan para makausad at maging progresibo ang isang lugar.
Iginiit pa ng Pangulo na malaki rin ang papel ang digitalization para sa PPP upang tuluyang makarekober ang ekonomiya ng bansa at maisukong ang digital transformation.
Bukod sa digitalization, bibigyang prayoridad rin ng Pangulo ang imprastraktura dahil sa maraming naghihintay na oportunidad.
Banggit niya may mga alok aniyang malalaking proyekto ang ibang bansa gaya na lamang ng official development assistance (ODA) at joint ventures.
Pag-amin ng Pangulo, hindi kakayaning mag-isa ng LGU na magpatayo ng mga proyekto kung kaya kailangan na pumasok sa PPPs, na matagal ng ginagawa sa bansa.