Mahigpit na tinututulan at kinokondena ng China ang pagdating ni United States House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Sa inilabas na pahayag, iginiit ng Ministry of Foreign Affairs ng China na ang pagpunta ni Pelosi sa Taiwan ay seryosong paglabag sa one-China principle at tatlong China-U.S. joint communiqués.
“It has a severe impact on the political foundation of China-U.S. relations, and seriously infringes upon China’s sovereignty and territorial integrity. It gravely undermines peace and stability across the Taiwan Strait, and sends a seriously wrong signal to the separatist forces for ‘Taiwan independence’,” saad nito.
Dagdag nito, “There is but one China in the world, Taiwan is an inalienable part of China’s territory, and the Government of the People’s Republic of China is the sole legal government representing the whole of China.”
Malinaw anila itong kinikilala ng United Nations General Assembly Resolution 2758 noong 1971.
Simula nang itatag ang People’s Republic of China taong 1949, sinabi nito na 181 bansa ang nagkaroon ng diplomatic relations sa China batay sa one-China principle.
Sinabi ng foreign ministry ng China na ang one-China principle ay isang “universal consensus” ng international community at isang “basic norm” sa international relations.
Dumating si Pelosi sa Taiwan, Martes ng gabi (Agosto 2).