2,646 na bagong kaso ng COVID-19, napaulat sa Pilipinas

Manila PIO photo

Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, base sa tala ng Department of Health (DOH).

Sa datos hanggang sa araw ng Martes, Agosto 2, may 2,646 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Nagresulta ito sa pagsipa ng kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas sa 3,782,822.

Sa nasabing bilang, 32,099 pasyente o 0.8 porsyento ang nagpapagaling sa sakit.

Nasa 3,689,974 o 97.5 porsyento naman ang bilang ng mga gumaling, habang 60,749 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.

Hinihikayat pa rin ng DOH ang publiko na magpabakuna na at tumanggap ng booster shot bilang dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Read more...