Patuloy na umiiral ang Southwest Monsoon o Habagat sa Northern at Central Luzon.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Veronica Torres, magdudulot ang Habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog sa Ilocos region, Cordillera Administrative Region (CAR), Cagayan Valley, Bataan, Zambales, at Aurora.
Samantala, magiging mainit at maalinsangan naman aniya ang panahon sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa.
May tsansa lamang aniyang makaranas ng thunderstorms sa dakong hapon o gabi.
Sa ngayon, walang binabantayang low pressure area (LPA) o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
MOST READ
LATEST STORIES