Tumama ang magnitude 5.6 na lindol sa Lebak, Sultan Kudarat Martes ng hapon.
Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 36 kilometers Northwest ng Lebak dakong 1:24 ng hapon.
36 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 3 – Cotabato City
Intensity 2 – General Santos City
Intensity 1 – Zamboanga City
Instrumental Intensities:
Intensity 4- T’boli, South Cotabato
Intensity 3- Santo Nino and Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani
Intensity 2 – General Santos City; Cotabato City; Malungon at Maasim, Sarangani
Intensity 1 – Zamboanga City; Davao City; Cagayan de Oro City; Kidapawan City
Babala ng Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.