Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng siyam na Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ito ay sina Jerico Francis Javier, Maria Salome Navarro, Denise Florence Bragas, Vilma Cabrera, Charles Co, Antonio Crisanto Jr., Eduardo Punay, Rowena Taduran, at Alan Tanjusay.
Ayon kay Angeles, isinagawa ang oath taking ceremony ng siyam na undersecretaries, Martes ng umaga (Agosto 2).
Si Tanjusay ay labor leader ng Trade Union Congress of the Philippines.
Si Taduran ay dating kinatawan ng ACT-CIS partylist.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Angeles:
WATCH: Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kinumpirma ang pagtatalaga ng bagong DSWD undersecretaries | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/r8rJbmTvzH
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) August 2, 2022