Hinarang ng mga otoridad sa Indonesia ang barko ng Pilipinas at Vietnam dahil umano sa iligal na pangingisda sa Raja Ampat district sa lalawigan ng West Papua.
Batay sa ulat ng state news agency ng Indonesia, kinailangan pang magpakalawa ng tatlong warning shots ang Indonesian navy bago maharang ng tuluyan ang dalawang barko.
Kabilang sa naaresto at ikinulong ang 13 mga crew ng Vietnamese vessel na MV Pha Ong at 10 naman sa Philippine ship na MV Jessica 006.
Sa isinagawang operasyon, wala namang nakitang marine resources sa MV Jessica 006 pero bigo umano ang mga crew nito na magpakita ng permiso na legal ang kanilang pagpasok sa Indonesian Waters.
Sa barko naman ng Vietnam, walong tons ng sea cucumbers ang natagpuan na pinaniniwalaang nakuha mula sa Indonesian waters maliban pa sa kawalan din ng permiso ng nasabing sasakyang pandagat.