Ayon sa BOC, ang naturang halaga ay mataas ng 38.9 porsiyento sa kanilang itinakdang target na P60.785 bilyon.
Kasama dito ang P1.128 bilyong dagdag-kita mula sa Tax Expenditure Fund at P527.65 milyon ng Post Clearance Audit Group.
Simula noong Enero 1, nakakolekta na ang kawanihan ng kabuuang P481.139 bilyon, na mataas ng P92.54 bilyon sa target na P388.59 bilyon.
Kung ikukumpara naman ito sa koleksyon sa katulad na panahon noong nakaraang taon na P358.915 bilyon, mas mataas ito ng 34.1 porsiyento.
MOST READ
LATEST STORIES