Bilang ng fully vaccinated na Filipino kontra COVID-19, higit 71.7 milyon na

DOH photo

Umabot na sa humigit-kumulang 71.1 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, base ito sa nakalap na datos hanggang Agosto 1.

Sa nasabing bilang, mahigit 9.7 milyong kabataan at mahigit 4.1 milyong bata ang protektado na sa nakahahawang sakit.

Kumpleto na rin ang naiturok na bakuna sa halos 6.8 milyong senior citizen.

Ayon pa kay Vergeire, mahigit 16.2 milyong Filipino ang nakatanggap na ng unang booster shot habang 1.3 milyong indibiduwal naman ang mayroon nang ikalawang booster shot.

Hinikayat naman ng DOH official ang publiko na makiisa sa ‘PinasLakas’ booster shot drive ng pamahalaan upang magkaroon ng dagdag na proteksyon panlaban sa COVID-19.

Read more...