Mula sa Dulce Funeral Chapel sa Abad Santos sa Maynila, dadalhin muna ang mga labi ni Alex Balcoba sa simbahan ng Espiritu Santo sa Tayuman.
Magdaraos ng misa ganap na alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.
At mamayang ala 1:00 ng hapon ay dadalhin na sa St. Nathaniel crematorium sa Caloocan City ang mga labi ni Balcoba.
Umapela naman ang misis ni Balcoba na si Florabel kay incoming President Rodrigo Duterte na tulungan silang makamit ang hustisya.
Kahapon ay naglabas ng P100,000 pabuya ang Manila Police at Manila Police District Press Corps sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng responsable sa krimen.
Watch: Maybahay ni Alex Balcoba umapela kay @RRD_Davao @dzIQ990 pic.twitter.com/G6oaQHg10D
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 31, 2016
Watch: Apila ng asawa ng pinaslang na journalist kay @RRD_Davao @dzIQ990 pic.twitter.com/uVmESnEyX3
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) May 31, 2016