Senado inaprubahan ang resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Ramos

SENATE PRIB PHOTO

Naghain ng resolusyon si Senate Majority Leader Joel Villanueva para sa pagpapahayag ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sa Senate Resolution No. 73, binanggit ni Villanueva ang simula ng paglilingkod ni Ramos sa bayan at sambayanan hanggang sa manungkulan ito bilang ika-12 Pangulo ng bansa.

Ang kopya ng naaprubahang resolusyon ay ibibigay sa naulilang pamilya ni Ramos.

Sa sesyon sa araw ng Lunes, Agosto 1, nagbigay din ng talumpati ang ilang senador, kasama si Lakas-CMD chairman, Sen. Ramon Revilla Jr., Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Sens. Pia Cayetano, Raffy Tulfo, at Sherwin Gatchalian, ukol sa mga magagandang naimbag ni Ramos sa bansa.

Ang partido Lakas-CMD ay itinatag ni Ramos katuwang si dating Sec. Raul Manglapus.

Samantala, naglabas naman ng kanya-kanyang pahayag ang mga miyembro sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ukol sa pagpanaw ng 94-anyos na dating Punong Ehekutibo.

“We have lost a truly brilliant man. President Ramos was probably one of our brightest leaders, who always seemed a step ahead of everyone. He left behind a brand of democratic leadership that allowed for us to grow into the new Asian tiger of the 90’s,” ani Zubiri.

May mga pahayag din ng kanilang parangal kay Ramos sina Sens. Lito Lapid, Robin Padilla, Risa Hontiveros, Christopher Go, Alan Peter Cayetano, Nancy Binay, at Francis Tolentino.

Read more...