PNP, nangakong susuportahan ang liderato ni Lt. Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na magiging buo ang suporta sa liderato si Police Lt. Gen. Rodolfo Azurin, Jr. bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Azurin bilang susunod na pinuno ng PNP.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PNP na sa ilalim ng pamumuno ni Azurin, ipagpapatuloy nila ang misyon at tungkulin ng pulisya na protektahan at tiyakin ang seguridad ng taong-bayan.

“Under PLtGen Azurin’s direction, we assure the public that our police force will sustain its momentum to carry out PNP’s mission and to deliver its mandate with utmost integrity, credibility and professionalism, all for safety and protection of our Filipino people,” base sa Facebook post ng PNP.

Si Azurin ang ika-28 hepe ng pambansang pulisya.

Read more...