WATCH: Publiko, pinakakalma ni Pangulong Marcos sa monkeypox

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Pinakakalma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang publiko sa gitna ng pagpasok sa bansa ng sakit na monkeypox.

Sa ‘PinasLakas’ booster rollout sa Pasig City, sinabi ng Pangulo na bagamat nakalulungkot na mayroon nang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa bansa, hindi dapat na mag-panic ang taong bayan.

“It’s unfortuante that we have recorded around monkeypox case. let me stress on that, it is one monkeypox case here in the philippines and as of now the patient, yung pasyente ng monkeypox ay magaling na at umuwi na yata. So we dont have anymore cases of monkeypox, ” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil may gamot laban sa monkeypox.

“Even then I want to be very clear to everyone this is not covid. hindi kagayan ng covid ito. Hindi nakakatakot kagaya ng covid yung monkeypox parang small pox. marami namang gamot kaya pwede naman nating gamutin. Pero again ganun din eh kagaya ng lahat ng sakit, kailangan malinis ang mga kamay natin, medyo mag-ingat lang tayo sa sanitation, yung mga bagay bagay na ganyan. Sa ngayon yung monkeypox ay talagang nakabantya tayo dahil eh nasanay na tayo dito sa covid. nakabantay tayo ng husto pero siguro masasabi natin sa ngayon na wala tayong kaso dito sa Pilipinas sa ngayon, ” pahayag ng Pangulo.

Narito ang bahagi ng Punong Ehekutibo:

Read more...