Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Lunes ng umaga (Agosto 1), nasa 11,663,325 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 simula noong Hulyo 25.
Sa nasabing bilang, 773,700 enrollees ang naitala sa Kindergarten; 5,440,980 sa Elementary; 3,722,367 sa Junior High School; habang 1,726,278 naman sa Senior High School.
Sa ngayon, Region IV-A pa rin ang may pinakamaraming naitalang enrollees na may 1,819,467, na sinusundan ng National Capital Region (1,531,374), at Region III (1,178,813).
Paalala ng DepEd, may tatlong paraan sa pagpapatalla: in-person, remote, at dropbox enrollment.
Para naman sa Alternative Learning System (ALS) learners, maaari na ring magpatala nang in-person o digital.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.