Aniya, ang pagbuo ng PTSB ay alinsunod sa global standard sa pag-iimbestiga sa mga aksidente na kinasasangkutan ng lahat ng uri ng sasakyan.
Diin ni Poe, ang PTSB ay magbibigay ng mga rekomendasyon upang hindi na maulit ang aksidente.
Nakakalungkot aniya ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa panukala dahil mula 2016 hanggang 2020, higit 12,487 ang namatay sa mga aksidente sa lansangan kada taon.
Sa nabanggit na panahon, nakapagtala naman ng 483 aksidente sa karagatan.
Pagtitiyak ni Poe, patuloy siyang magsusulong ng panukala para sa kapakanan ng mga mananakay.