Mga sindikato ng droga, nakahanap na ng paraan para makalusot sa batas-NBI

 

Inquirer file photo

Napag-alaman ng National Bureau of Investigation (NBI) na naka-diskubre na ng paraan ang mga sindikato ng iligal na droga para makalusot sila sa batas laban dito.

Ayon kay NBI’s Forensic Investigation Service chief of staff Rommel Papa, may mga iligal na droga silang naisailalim sa pagsusuri na naglalaman ng mga synthetic substance na wala sa listahan ng mga ipinagbabawal na droga.

Ani Papa, lumabas sa mga isinagawang tests sa mga drogang nakumpiska mula sa isang drug pusher noon lamang weekend na may laman itong mga sangkap na hindi “fit for human consumption” o hindi pwede sa tao.

Ang mga pink pills kasi na nasabat ng mga otoridad na may sangkap na ecstasy ay may laman din na methaline homolob, isang crystalline substance na kadalasang ginagamit sa mga forensic tests para makatukoy ng ipinagbabawal na droga.

Dagdag pa ni Papa, ang mga synthetic chemicals na laman ng mga nakumpiska nilang droga ay nakamamatay.

Mayroon na ring ilang teorya ang NBI kung bakit ito ginagawa ng mga sindikato, una ay posibleng ginagamit lang nila ito bilang extender o pamparami, o kaya naman ay para mas palakasin ang epekto nito.

Ayon naman kay NBI anti-illegal drug unit chief Joel Tavera, sa ilalim ng Dangerous Drugs Act, kung wala sa prohibite drugs list ang nakumpiska nila, hindi maaring usigin ang nahulihan nito.

Mas tumatalino na aniya ang mga sindikato ngayon para kapag sila ay nahuli at ito ang laman ng drogang hawak nila, alam nilang hindi sila maipapakulong.

Read more...