PNP sa NPA raid sa Davao: ‘Naubusan ang mga pulis ng bala’

 

Inquirer file photo

‘Wala namang nagbibilang ng bala habang nakikipagbarilan’

Yan ang depensa ng pambansang pulisya sa naganap na pagkakakubkob ng istasyon ng pulis sa Davao Oriental dahil umano sa pagkaubos ng bala.

Paliwanag ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, hindi pa nila alam ang circumstances sa nangyari at isasailalim nila sa imbestigasyon ang naganap na insidente matapos atakihin ng mga rebelde ang Gov. Generoso Police Station at dukutin ang mismong hepe nito.

Samantala, wala pa ring lead sa ngayon ang PNP sa kinaroroonan ng dinukot ng hepe ng pulis na si Chief. Insp. Arnold Ongachen.

Ligtas naman ang dalawa pang pulis na nauna nang napaulat na nawawala matapos ang raid.

Sa nasabing labanan, nasugatan si PO3 John Rey Cinco, isang police woman at isang babaeng sibilyan habang nadamay din at nasugatan ang dalawang di napangalanang detainees.

Tinatayang nasa 60 armadong rebeldeng NPA ang umatake sa nabanggit na police station noong Linggo ng gabi.

Read more...