Mayroon pa ring naitatalang aftershocks sa iba’t ibang lalawigan sa bansa kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
Sa update ng Phivolcs bandang 5:00, Biyernes ng hapon (Hulyo 29), umabot na sa 1,132 ang bilang ng aftershocks hanggang 4:00 ng hapon.
Umabot ang pinakamataas na intensity sa intensity 7 sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.
Paalala ng Phivolcs, manatiling alerto dahil posibleng makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.
Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).
Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.