Bagyong #EsterPH mananatili sa tropical depression category sa susunod na 36 oras

Mananatili ang Bagyong Ester sa tropical depression category sa susunod na 36 oras. ayon sa PAGASA.

Sa tropical cyclone bulletin no. 1 ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 840 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 4:00, Biyernes ng hapon (Hulyo 29).

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Tinatahak nito ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Sa ngayon, walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.

Ngunit ayon sa PAGASA, magdudulot ang pinagsamang epekto ng Bagyong Ester at Southwest Monsoon o Habagat ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Southern Luzon at maging sa western at eastern portions ng Visayas.

Base sa forecast ng weather bureau, maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Sabado ng hapon, Hulyo 30.

Read more...