Manabo, Abra niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Yumanig ang ng magnitude 4.2 na lindol sa Manabo, Abra Biyernes ng hapon.

Batay sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 4 kilometers Northeast ng bayan ng Manabo.

Naramdaman ang pagyanig bandang 3:21 ng hapon.

11 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod:
Intensity 2 – Sinait, Ilocos Sur

Instrumental Intensities:
Intensity 3 – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity 1 – Sinait, Ilocos Sur

Sinabi ng Phivolcs na wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...