US nagbabala ng posibleng terror attack sa Europe

 

Inalerto ng US State Department ang kanilang mga citizens sa posibilidad ng mga terror attacks na maaring maganap sa Europe.

Sa kanilang advisory, inihayag dito na posibleng maganap ang banta ng terorismo sa mga major event, tourist sites, mga commercial centers at mga transportation hubs.

Paliwanag pa sa advisory, dahil summer ngayon sa Europa, mas maraming mga turista ang mamamasyal at magtutungo sa mga pampublikong lugar.

Dahil dito, pinag-iingat ng US ang kanilang mga citizens upang hindi mabiktima ng posibilng terror attacks habang sila ay namamasyal sa ibayong dagat.

Read more...