Surfer sa Australia, kinagat ng pating

 

Putol ang binti ng isang 29-anyos na surfer matapos itong makagat ng pating sa isang Australian west coast beach, araw ng Martes. Naganap ang shark attack sa Falcon Beach na isang tanyag na surfing spot sa bayan ng Mandurah sa Perth City.

Ayon kay Royal Perth Hospital chief executive Margaret Sturdy, ililipad agad ang biktima patungo sa kanilang trauma center na 70 kilometro ang layo oras na umigi kahit paano ang kaniyang kalagayan.

Sa ngayon kasi aniya ay nasa seryosong kalagayan pa ang bikitma dahil sa laki ng kagat ng pating sa kaniya na kakailanganin ng maraming medical procedure.

Ayon naman sa reporter ng Mandurah Mail newspaper na si Nathan Hondros, dumating siya sa beach ilang sandali lang matapos ang insidente.

Inabutan niya ang mga tauhan ng ambulansya na sinusubukang i-resucitate ang pasyenteng natapyasan ng binti mula sa bandang itaas ng tuhod.

Ayon naman sa mga life guards, Martes ng umaga ay isang 11-talampakang white shark ang kanilang namataan sa isang kalapit na beach.

Ito ang unang matinding kaso ng shark attack mula noong March kung saan nakagat rin ng pating ang 22-anyos na professional surfer na si Brett Connellan sa Sydney.

Read more...