Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na bigyang prayoridad ang pag-iinspeksyon sa mga ospital at healthcare facilities na tinamaan ng magnitude 7.0 na lindol sa Abra.
Ayon sa Pangulo, dapat bigyang prayoridad ang mga ospital kumpara sa government buildings.
“Do the inspections first of the public buildings. I think your priority will be quite right is the hospital, uunahin natin even before the government buildings, ‘yung mga offices, ‘yung mga ganoon. Unahin natin ‘yung ospital,” pahayag ng Pangulo sa situation briefing sa Abra.
Personal na binisita ng Pangulo ang Abra Provincial Hospital at ang mga pasyente.
“Let’s go first to the hospital, let’s go first to the clinics, the healthcare centers… then we can then go look at the government buildings after which we can, puntahan na rin natin ‘yung mga bahay ng mga tao para makita kung puwede na talaga sila — safe na sila,” pahayag ng Pangulo.
Sa pinakahuling talaan, anim katao ang nasawi sa lindol.