Umakyat na sa anim katao ang bilang ng nasawi dahil sa magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra.
Base sa pinakahuling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), galing ang mga nasawi sa Bangued, Abra; La Trinidad, Benguet, Tuba, Benguet; Balbalan, Kalinga; at Bauko, Mountain Province.
Apat katao naman ang naiulat na nawawala.
Ayon sa NDRRMC, nasa 136 katao ang naiulat na nasugatan.
NAsa 19,486 na pamilya ang naapektuhan ng lindol habang 1,583 ang nasirang bahay.
Nagdeklara na ang probinsya ng Abra ng state of calamity dahil sa nangyaring lindol.
MOST READ
LATEST STORIES