LPA, malabo pa ring maging bagyo

DOST PAGASA satellite image

May dalawang weather system na binabantayan ang PAGASA sa labas at loob ng bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Patrick Del Mundo, nasa labas ng bansa ang isang tropical depression na tinututukan ng weather bureau.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,825 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometers per hour.

Patuloy ang pagkilos ng bagyo sa direksyong Hilaga sa bilis na 25 kilometers per hour.

Dahil dito, mababa ang tsansa na pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24 oras.

Samantala, sa loob ng PAR, namataan naman ang low pressure area sa layong 1,080 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon.

Maliit pa aniya ang posibilidad na lumakas ito at maging bagyo.

Dahil sa pinagsamang epekto ng LPA at Southwest Monsoon o Habagat, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Aurora at ilan pang lalawigan sa Luzon.

Read more...