14 OFWs na naabuso sa Lebanon, nakauwi na ng Pilipinas

DFA photo

Napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 14 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Lebanon.

Ayon sa kagawaran, ang naturang OFWs ay naabuso at detained nationals.

Katuwang ang Lebanese authorities, cleared na ang mga OFW mula sa immigration liabilities.

Nagpasalamat naman ang repatriates sa Embahada ng Pilipinas para sa pag-aabot ng welfare at legal assistance, sa kabila ng nararanasang economic crisis sa migrant workers sa Lebanon.

Patuloy naman ang pagtutok ng embahada upang masiguro ang kapakanan ng mga Filipino sa iba’t ibang penal facilities sa Lebanon.

Prayoridad nito ang pagbibigay ng legal assistance at pinakamaagang repatriation habang inihahatid ang mga pangunahing pangangailangan.

Aasistihan naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang repatriates para sa kanilang quarantine accommodations at domestic flights sa kani-kanilang probinsya.

Patuloy din ang alok ng embahada na individual exit clearance endorsements para sa undocumented at distressed OFWs.

Binibigyan din ng psychosocial at legal assistance ang mga biktima ng pang-aabuso.

Read more...