Pilipinas, nakapagtala ng 890 pang kaso ng BA.5 Omicron subvariant

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa ng karagdang 890 na kaso ng BA.5 Omicron subvariant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ng kagawaran na napaulat ang naturang variant sa lahat ng rehiyon maliban sa Region 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), habang siyam na returning overseas Filipinos ang positibo sa BA.5 variant.

Sa nasabing bilang, 650 indibiduwal ang fully vaccinated, 18 ang partially vaccinated, habang inaalam pa ang vaccination status ng nalalabing 222 katao.

Sinabi ng DOH na itinuturing na bilang ‘recovered’ ang 823 indibiduwal, 31 ang nakasailalim pa sa isolation, habang bineberipika pa ang estado ng 31 pang kaso.

Maliban dito, naitala rin sa bansa ang 18 pang kaso ng BA.4, kung saan 17 ang gumaling na.

Sa nasabing bilang, pito indibiduwal ang napaulat sa Metro Manila, anim sa Region 5, dalawa sa Cordillera Administrative Region (CAR), at tig-iisa sa Regions 1, 2, at CALABARZON.

Samantala, 15 naman ang karagdagang kaso ng BA.2.12.1 variant. 14 rito ay itinuring na bilang ‘recovered’ habang ang isa ay naka-isolate pa.

Lima sa nasabing bilang ay mula sa National Capital Region (NCR), apat sa CAR, tatlo sa CALABARZON, tig-isa sa Region 1 at MIMAROPA, habang may isang returning overseas Filipino na nagpositibo sa nasabing variant.

“At the moment, the exposure of individuals, travel histories, health status, and vaccination status are being verified,” saad ng DOH.

Read more...