Ilang kalsada na naapektuhan ng M7.0 quake, binuksan na

DPWH photo

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang national road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region.

Ito ay matapos magkasa ng clearing operations kasunod ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Luzon, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).

Base sa ulat mula sa DPWH Bureau of Maintenance hanggang 6:00, Huwebes ng umaga (Hulyo 28), tinukoy ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang national road sections na maari nang daanan ng mga motorista. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Abra:
1. Abra – Kalinga Road
2. Abra – Ilocos Norte Road
3. Abra-Cervantes Road.

Benguet:
1. Asin Road, Baguio City
2. Marcos Highway
3. Benguet-Nueva Vizcaya Road
4. Baguio – Bauang Road
5. Congressman Andres Acop Cosalan Road

Kalinga:
1. Mt. Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road
2. Kalinga-Abra Road

Mt. Province:
1. Mt. Province-Cagayan via Tabuk – Enrile Road
2. Mt. Province-Ilocos Sur Road

Ilocos Sur:
1. Santa Rancho Road (Calungbuyan Bridge)

Samantala, patuloy naman ang clearing operations ng DPWH Quick Response Teams sa walo pang kalsada sa CAR at Region 1:
1. Kennon Road, Benguet (para sa safety purposes)
2. Gov. Bado Dangwa National Road K0285+600 section sa Tab-ao, Kapangan, Benguet (dahil sa rockfall)
3. Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road K0355+600 section sa Ap-apid, Tinoc, Ifugao (dahil sa rock collapse)
4. Lubuagan-Batong Buhay Road K0462+010, K0463+000, K0463+400, K0463+700, K0464+000 sections sa Puapo, Dangtalan, Pasil, Kalinga and K0464+600,K0464+700, K0464+800 sections sa Colong, Lower Uma, Lubuagan, Kalinga (dahil sa rock collapse)
5. Baguio – Bontoc Road, Mt. Data Cliff, Bauko, Mt. Province (dahil sa soil collapse)
6. Tagudin – Cervantes Road, K0341+600 sa Ilocos Sur (dahil sa landslide at rockslide)
7. Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio-Quirino Road K0393+000 Brgy. Cayos, Quirino, at K0391+200, Ilocos Sur (dahil sa landslide at rockslide)
8. Cervantes-Aluling-Bontoc Road K0387+(-950), Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur (dahil sa landslide at rockslide).

Samantala, limitado pa rin sa light vehicles ang Itogon Bridge sa bahagi ng Tagudin – Cervantes Road K0267+519 section sa Benguet.

Sa ngayon, umabot na sa P59.23 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa national roads dulot ng malakas na pagyanig.

Read more...