Agriculture sector ligtas sa lindol sa Abra

DPWH photo

Walang nasira sa agriculture sector matapos ang magnitude 7 na lindol sa Abra.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), sa ngayon, wala silang natanggap na ulat na mayroong nasirang agriculture o fisheries commodities at infrastructure.

Gayunman, sinusuri pa ng DA kung mayroong irigasyon ang nasira.

“To date, there are no reported damage and losses yet in the agriculture and fisheries commodities and infrastructures that could hamper the food supply system,” pahayag ng DA.

Sinabi pa ng DA na walang epekto sa delivery ng pagkain ang mga saradong kalsada sa Benguet at Mountain Province dahil mabilis naman ang clearing operations.

Read more...