Puslit na materyales nasabat ng BOC sa Bataan

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ilang materyales na ipinuslit palabas mula sa isang freeport registered enterprise sa Mariveles, Bataan.

Unang naharang ng mga ahente ng kawanihan sa isang checkpoint sa Roman Highway sa Barangay Alas-asin ang dalawang L300 vans na naglalaman ng cooper wires at welding machines

Sa Mt. View naman ay naharang ang isang Foton Gratour van na naglalaman ng chain block at isang Nissan Terra na nagsisilbing escort vehicle.

Naaresto ang 12 katao, na kinabibilangan ng 11 Filipino at isang Chinese citizen, para maimbestigahan.

Pagtitiyak ni Port of Limay District Collector William Balayo na patuloy ang kanilang pagbabantay para mapigilan ang mga pagpupuslit ng mga imported goods.

Read more...