Nakipag-pulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga lokal na opisyal at iba pang stakeholders sa Abra kaugnay sa naganap na lindol, Miyerkules ng umaga.
Nabatid na ang situation briefing ay naganap sa Camp Juan Villamor sa bayan ng Bangued.
Kasama ng Pangulong Marcos Jr. sina Special Assistant to the President (SAP) Sec. Antonio Lagdameo Jr., Interior and Local Government Sec. Benjamin Abalos Jr., Defense Officer-in-Charge Jose Faustino at Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo.
Pasado 8:00, Huwebes ng umaga (Hulyo 28), nang lumipad patungo sa Abra ang Punong Ehekutibo para personal na alamin ang sitwasyon at mga pinsalang idinulot ng magnitude 7.0 earthquake.
MOST READ
LATEST STORIES