Heritage sites sa Ilocos, napinsala ng magnitude 7 earthquake

Photo credit: Office of Sen. Imee Marcos

Malungkot na ibinahagi ni Senator Imee Marcos na maraming makasaysayang imprastraktura sa Ilocos Norte ang napinsala ng lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).

“Kabilang sa mga naiulat na pinsala ay ang pagguho ng antigong bell towers at ilang simbahan, gayundin ang mga bahay at mga sasakyan at iba pang ari-arian,” pagbabahagi ng senadora, na tubong Ilocos Norte.

Dagdag nito, kabilang sa mga napinsala ang bell tower sa bayan ng Bantay at Laoag, maging ang simbahan sa Sarrat at heritage houses.

Marami rin aniyang imprastraktura sa Kennon, Paraiso, Pagudpud sa Ilocos Norte at Apayao ang nasira.

Nawalan din ng suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Ilocos at Cordillera Regions dahil pinsala sa mga pasilidad ng enerhiya.

Matatandaang tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

Read more...